"Gayon din naman, na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga;" (1 Timoteo 2:9)
Ang backless po ba? Spaghetti? at miniskirt at shorts ay "mahihinhing damit"?
Pagtatatuwa
~ Volta
Blog Archive
Buntut-bututan
For more info. About Catholic Doctrines
Tungkol sa akin
- Sumikat blog
- City/Town: Unknown, Region/State: Unknown
Playing safe
- ang blog nato ay ginawa para sa mga gustong sumikat.
- hindi layunin ng blog na ito'y para sagutin ang lahat ng mga panira ng ibang Religion sa INC.
- kung meron kayong hindi naintindihan sa aral ng INC, mas mabuting pumunta kayo sa malalapit na lokal sa inyong lugar.
- sasagutin ko lahat ng mga nabasa ko dito sa internet(blog,web site at etc.) sa abot ng aking makakaya.
- source: galing sa mga mas nakakaalam sakin, hindi haka-haka, hindi kathang isip, mas lalong hindi "Tismis".
ano DAW?? ayon kay Mkfideidefensor " TINATANGGAP PO NG PANIG NG IGLESIA KATOLIKA ANG HAMON NINYO. NAGHIHINTAY KAMI NG SAGOT MULA SA CENTRAL NINYO."
Oo sabi ni Mr Abe aattend daw talaga sya? e totoo kaya yun?EWAN PARIN! ahehe
ito daw na event na sana magaganap pa at isang ka-abang-abang na event at ito daw "best of the best" of both sides para sa katutuhanan! oo katutuhanan! maniwala ka! a ok :)
ang sabi nya "HAKOT STYLE" DAW ang mga INC para maglikha ng cheering squad!!? WHAT?!! hindi ba't mas marami sila kaysa INC? Oo yan nga pinamamayabang nila lage e. mas higit daw sila nakakarami! Walang duda marami talaga sila. "ma-imperno". ahehe
kung dito palang nga "DAW" na mababasa "DAW" ng buong mundo! ano pa nga "DAW" kung ito ay gaganapin "DAW" sa LUGAR!
Hindi ko magets ang last sentence nya "ano pa kaya kung ito ay gaganapin sa lugar na pwedeng maghakot ng mga bayaring mga taga-palakpak" ahh Gumawa naman sya nang sariling haka-haka! ano daw?! "mga bayaring mga taga-palakpak" HA?? KAYO ANG HUMUSGA SA TAONG ITO!
CENON BIBOT este...! CENON BIBE:kung ang layunin "DAW" ng DEBATE ay mapapahiya lang ng TAO ay HINDI "DAW" sya pupunta,
O takot lang sya lalong ma-scandalo naman ang kanilang inembentong doktrina! aminin... :P
may sinabi pa sya sa huli. ang layunin daw ng blog nya para masagot ang mga panira!?ano kamo panira? e sila mismo sumisira sa aral nila e. Di sila mismo nagsisiraan! e halimbawa ko itong aral nila sa Rebulto <-- click this link
EnglishTrinity - The trinity of God is defined by the Church as the belief that in God are three persons who subsist in one nature. The belief as so defined was was reached only in the 4th and 5th centuries AD and hence is not explicitly and formally a biblical belief.- The Trinity of persons within the unity of nature is defined in terms of 'persons' and 'nature' which are Gk philosophical terms; actually the terms do not appear in the Bible.TagalogTrinidad - Ang trinidad ng Diyos ay ipinaliwanag ng simabahan bilang maniniwala na Diyos ay mayroong tatlong persona na namamalagi sa isang kalikasan. Ang gayong maniniwala gaya ng ipinaliwanag ay narating lamang noong ika-apat at ika-limang siglo (Anno Domini) kung kaya hindi ito isang maliwanag at pormal paniniwalang mula sa Biblia.- Ang trinidad ng mga persona sa loob ng pagkakaisa sa kalikasan ay ipinaliwanag sa mga terminong 'persona' at 'kalikasan' na ang mga ito ay mga terminong pilosopikong Greyigo; sa katotohanan ang mga terminong ito ay wala sa Biblia. (Dictionary of the Bible by John Mckenzie, p. 899)
"Ang Diyos Anak at ang Diyos Espirito Santo ay hindi mababa kaysaDiyos Ama. Ni isa sa Tatlong Persona ay hindi lalongmakapangyarihan. Higit na matalino o mas higit. Ang Tatlong Persona ay kapwa magkakaisang-ganap, sapagkat iisa ang banal na kalikasang inaankin nilang lahat" (ANG ATING PANANAMPALATAYA(UNANG AKLAT), p. 40 Isinalin ni Mar V. Puato)
English"Q. 10 Are three divine Persons perfectly equal to one another?Each of the divine Persons is perfectly equal to the other two, because each possesses the same divine nature and each is God.The Father, then, is not older or greater than the son, Nor are the Father and Son superior to Holy Ghost. Rather, since all three Persons are the same infinite and eternal God, they all enjoy the same infinite wisdom, goodness, and power.TagalogAng tatlong bang banal na persona ay ganap na magkakapantay?Ang bawat isa sa banal na persona ay ganap na kapantay ng dalawang iba pa, sapagkat bawat isa ay nagtataglay ng gayun ding kalagayang Dyos at ang bawat isa ay Dyos.Ang ama kung gayon ay hindi nakakatanda o higit na dakila kaysa anak. Ni nakakataas ang Ama at Anak sa Espirito santo. Kundi, yayamang ang lahat sa tatlong persona ay pareparihong walang hanggan at Dyos magpakailan man, silang lahat ay nagtataglay ng pareparihong walang hanggang karunungan, kabutihan, at kapangyarihan. (This IS CATHOLISM by John Waish, pp. 185-186)
tandaan natin na ang "tatlong persona ay pareparihong walang hanggan at Dyos magpakailan man, silang lahat ay nagtataglay ng pareparihong walang hanggang karunungan, kabutihan, at kapangyarihan." yan ang doktrina nyo.
"Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa ako'y pasasa Ama; sapagkat ang Ama ay lalong dakila kay sa akin" JUAN 14:28
"Datapuwa't ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan,..." JUAN 14:26
magbilang tayo mga kaibigan ha.?kung1. Anak ay Dyos,2. ang Espiritu Santo ay Dyos,3. ang Ama ay Dyos.ilan? tatlo po! ahehe
"Ako ang panginoon, at walang iba; liban sa akin ay walang Dios..." ISIAS 45:5
"Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang." MATEO 24:36
"... na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan," I CORINTO 14:3
Tertullian. Born about 160, converted to Christianity in 195 and to Montanist in about 207, was one of the foremost Christian thinkers of his age. He was practicing lawyer with a far-ranging, well read philosophy, history and Greek, with marked gifts as a controversialists. He was one of the first state explicitly that the Holy Spirit was God equally with other two persons of the Trinity.(A History of Hersey by David Christie- Murray, p. 35)
English"In 381, at the Council of Constantinople, it was defined that it is an article of faith that the Holy Ghost is God."TagalogNoong 381, sa konsilyo ng konstantinopla, ipinaliwanag na isang tutunin ng paniniwala na ang Espirito Santo ay Dyos."(Discourses on the Apostles' Creed by Clement H. Crock, p. 206)
English"3. THE NAME 'GOD' APPLIED TO HOLY GHOST - Although the Bible nowhere expressly calls the the Third Person of the Blessed Trinity 'God'..."Tagalog"3. Ang Pangalang 'Dios' kung iniuukol sa Epirito Santo - Bagamat sa alin mang dako'y hindi tinatawag ng Biblia ang ikatlong persona ng pinagpalang Trinidad na 'Dios'..."
Ito ay isa sa proyeba na may talata din silang ginagamit,
Then in the third place we find that certain definite attributes are ascribed to Him – and this is most important. We are told that He is eternal, and to be eternal is to be God, for God alone is eternal. In Hebrews 9:14, He is referred to as the ‘eternal Spirit…’ (GOD THE HOLY SPIRIT,” by Marlyn Lloyd-Jones, p. 15)
Dahil daw, ang Esperito Santo ay tinawag na walang hanggan ay nangangahulugan daw ito ay Dios daw. At meron pa silang talata na pinagbabatayan sa Dios daw ang Espirito Santo sa Hebreo 9:14
Ito ang nilalaman ng talata,
Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay? Hebrews 9:14
Ang sinabi nila ang Espiritu Santo ay walang hanggan, kaya daw po ito ay TUNAY NA DIOS.
Tama kaya ang kanilang paniniwala?Kasi nakabasi ang kanilang argument sa “to be eternal is to be GOD” palibasa ay binangit sa Hebrews 9:14 na “eternal spirit” o “Espiritong Walang Hanggan” at yon ang Espirito Santo. Ang Conclusion nila ay ang Espirito Santo ay Dios!
Ito ang sagot isa sa argumento nila,
Ituloy lang natin ang talata,
At dahil dito’y sya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan, ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan. Hebrews 9:14
Ang liwanag ang sinabi sa talata “manang walang hanggan“ tiyak naman ito hindi ito ang Espiritu Santo.
Ano kaya ang katumbas ng “manang walang hanggan“?
Basahin natin sa English.
And for this cause he is the mediator of the new testament, that by means of death, for the redemption of the transgressions that were under the first testament, they which are called might receive the promise of eternal inheritance. Herbrews 9:15 King James Version
Ang sinabi sa English “eternal inheritance “ o “manang walang hanggan”
Ito tanong,
Dyan ba sa sinabi na “manang walang hanggan” ay TUNAY NA DIOS ba ito? Kasi ang argumento nila “to be eternal is to be GOD” ^_^
Ang totoo mga kaibigan pagdating ng paghuhukom mabibigyan tayo ng Buhay na walang hanggan (Kaya lang ang iba sa Empirno mapunta sa mga naniniwala na ang Espiritu Santo ay Dios na maliwanag na inembento)
Yun bang buhay na walang hanggan na ibibigay sa mga lahat ng Kristyano ay TUNAY NA DIOS din ba yon? Lalabas na dadami na ngayon ang TUNAY NA DIOS!
Isa na ang Dios Ama na “eternal life” o “walang hanggan”, tinawag din ang mga kristyano na mabibigyan ng “eternal life” o “walang hanggan”!
Tanong: TUNAY NA DIOS din ba itong mabibigyan(Mga Kristyano)? ^_^
Ano ba ang isag gawain ng Espiritu Santo?
At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: sapagka’t hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; ngunit ang Epiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasasaysay sa pananalita. Roma 8:26
Kung ang Epiritu Santo ay tumutulong sa pananalangin, ang Panginoon Jesus ba ay nanalangin?
Ito isa sa patunay na nanalangin ang Panginoong Jesus, Ang katunayan nga ito ay hindi nga sya ang TUNAY NA DIOS,
Na siya sa araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya’y dinig dahil sa kaniyang banal na takot, Bagama’t siya’y Anak, gayon may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay ng kaniyang tiniis; Hebreo 5:7
Ang tinutukoy po dyan sa talata ay ang Panginoong Jesus sa araw ng kanya laman “ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya”
Ang ating Panginoong Jesus ay nagsagawa ng mga panalangin at dahil doon may tulong ang Espiritu Santo sa kanya, dahil yan ang isa sa trabaho ng Epiritu Santo.
May tanong po ako sa inyo mga kaibigan kong katoliko na mga naniniwala na ang Panginoong Jesus ay TUNAY NA DIOS.
KUNG ANG PANGINOONG JESU CRISTO AY TUNAY NA DIOS? SINO PA YONG ISANG DIOS NA DINALANGINAN NG PANGINOONG JESU CRISTO? :)
Pagtyagaan nyo po ang aking munting presentation,
Di ba ganito yon,
1. isang Dios Ama na dinalanginan ng Panginoong Jesus
2. at isang nanalangin sa Dios Ama na si Panginoong Jesus
3. at Ang Espiritu Santo ay tumutulong sa pananalangin kay Panginoong Jesus.
Di ba po may nanalangin(si Panginoong Jesus) sa Dios Ama? ang Espiritu Santo(tumutulong sa pananalangin). Lalabas talaga na TATLO ANG TUNAY NA DIOS! ^_^
Ilan ba talaga ang Tunay na Dios?
Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; … sinabi niya, Ama, … Juan 17:1
At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at isang iyong sinugo, sa makatuwid baga’y si Jesucristo. Juan 17:3
Isa lang po ang tunay na Dios Ama! Ayon na rin sa sinugong na si Panginoon Jesus.
Ang Panginoong Jesucristo po ay tinulungan ng Espiritu Santo sa panalangin sa isang TUNAY NA DIOS AMA noong nasa lupa pa sya.
Sa anong pagkakataon pa na tinulungan ang Panginoong Jesucristo sa Espiritu Santo?
Sa makatuwid baga’y si Jesus na taga Nazaret, kung paanong siya’y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng Kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo; sapagka’t sumasa kaniya ang Dios. Gawa 10:38
Ang mga pangyayari sa talata, sa ginawang pagtupad ng ating Panginoong Jesus noong narito pa sya sa lupa. Tinulungan po sya sa kapangyarihan ng Dios.
Ano po ba yon kapangyarihan ng Dios? Yan ang Epiritu Santo, ang sabi sa talata “kung paanong siya’y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo”
Noong nasa lupa pa ang Panginoong Jesus may nagawa syang mga milagro o himala. Mga pagtulong nya sa mga may sakit na pinagaling nya. Tulong po yon ng Espiritu Santo sa kanya na isinugo ng Dios Ama para sa kanya.
Tanong: Pareho po ba yong tinulungan? Sa tumulong? Hindi po… :)
Ito pa ang isa sa talata pinagbabatayan nila na ang Espiritu Santo daw ay Dios,
… He is omnipresent; He is present everywhere. This again is only true of God. The psalmist in Psalm 139:7 cries out, ‘Whither shall I go from thy spirit? Or whither shall I flee from thy presence? … (GOD THE HOLY SPIRIT,” by Marlyn Lloyd-Jones, p. 16)
Mas mabuting basahin natin ang talata kung tama ba itong pagkapaniwala nila,
Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako natatakas na mula sa iyong harapan? Awit 139:7
Kung sumampa ako sa langit nandiyan ka: Kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon. Awit 139:8
Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga, At tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat; Awit 139:9
Ang Conclusion nila, ang Espiritu binangit ay yon Espiritu Santo at kahit saan pa sya sasampa sa langit o kahit saan, naroon ang Espiritu, samakatuwid ang Espiritu Santo ay TUNAY NA DIOS! Dahil isa sa katangian ng Dios Ama kahit saan dako ay naroon sya,
kaya na ang Espiritu Santo ay kahit saan dako din naroon, ang Conclusion nila ang Espiritu Santo ay TUNAY NA DIOS!
Pansinin mga kaibigan.
1. Wala po sinabi sa talata na ang Espirito Santo ay TUNAY NA DIOS.
2. Hindi naintindihan ng gumagamit sa talata na yong kahulugan na “mula sa iyong Espiritu” akala nila ang Espiritu rito ay tumutukoy sa Espiritu Santo.
Samahan nyo akong mag imbistega mga kaibigan kong katoliko.
Ano kaya kahulugan ng “mula sa iyong Espiritu”?
Ito bang binangit sa talata na “mula sa iyong Espiritu” ay automatic na kaagad na Espiritu Santo?
Binangit po ba ng biblia o niliwanag kung alin ang “mula sa iyong Espiritu” na tinutukoy sa mga talata sa taas?
Ating basahin sa English
Where could I go to escape from your Spirit or from your sight? PSALM 139:7 Contemporary English Version
Ang sinabi sa talata ay hindi tumutukoy sa Espirito Santo kundi paningin o Espiritu ng Dios Ama, Kaya ang tao hindi makakatakas sa paningin ng Dios Ama kahit saan pa sya pupunta ang Dios Ama lang may kakayahan humatol sa mga kasumpa-sumpa tulad nga sabi ni Mr Abe na sinumpa na hehe.
Alam naman natin na ang Dios Ama ay Everywhere. kasi sabi sa mga talata “from your Spirit or from your sight” tandaan natin wala sinabing “ang Espirito Santo ay TUNAY NA DIOS” Di po ba? ^_^ kahit ilang milyon pa basahin natin ang talata wala talaga.
Continue... Pasensya po.. naputol na naman hehe