Ang Gustong Sumikat

itong blog nato ay para sa mga taong gustong sumikat sa pamagitan ng mga paninira nila sa INC. Walang Personalan Blog Lang.

(Saksihan nyo ang kanyang mga paliwanag about sa trinity tapos basahin nyo ang post ko)

Gumawa na naman ng kahanga-hangang kwento si Mr. Abe sa kanyang Blog. E ano pa nga ba bumuo na naman sya na kanyang sariling kwento, pero masasabi nating kahanga-hanga dahil meron din syang mga verse na binigay para patunayan na Biblical Belief DAW? ang trinity. Kung susundan natin ang kanyang argumento ay aabot pa tayo dulo ng mundo bago matapos.

Pero ating pansinin bakit lage sya gumawa ng kwento? e meron naman mas nakaka-alam pa sa kanya sa Oranisayon katoliko? diba mahilig sya mag copy-and-paste? hehe, ahh tama sa mga paninira lang pala sya magaling mag copy-and-paste. but anyway lets go to our topic :)

Gusto kong ideretso na ang aking topic sa pag refuse daw ng mga INC sa trinity at Biblical Belief DAW ang trinidad ayon kay Mr Abe. nakalimutan nya na sila na rin mismo nag refuse!

ha?? totoo? oo :P

makisilip tayo sa kanilang diksyunaryo ng mga katoliko.

English
Trinity - The trinity of God is defined by the Church as the belief that in God are three persons who subsist in one nature. The belief as so defined was was reached only in the 4th and 5th centuries AD and hence is not explicitly and formally a biblical belief.
- The Trinity of persons within the unity of nature is defined in terms of 'persons' and 'nature' which are Gk philosophical terms; actually the terms do not appear in the Bible.

Tagalog
Trinidad - Ang trinidad ng Diyos ay ipinaliwanag ng simabahan bilang maniniwala na Diyos ay mayroong tatlong persona na namamalagi sa isang kalikasan. Ang gayong maniniwala gaya ng ipinaliwanag ay narating lamang noong ika-apat at ika-limang siglo (Anno Domini) kung kaya hindi ito isang maliwanag at pormal paniniwalang mula sa Biblia.
- Ang trinidad ng mga persona sa loob ng pagkakaisa sa kalikasan ay ipinaliwanag sa mga terminong 'persona' at 'kalikasan' na ang mga ito ay mga terminong pilosopikong Greyigo; sa katotohanan ang mga terminong ito ay wala sa Biblia. (Dictionary of the Bible by John Mckenzie, p. 899)



Ohh! Mr. Abe ayon sa inyong diksyonaryong katoliko "narating lamang noong ika-apat at ika-limang siglo" at hindi pala ito "maliwanag at pormal paniniwalang mula sa Biblia"

Kailan ba nabuo ang Biblia o natapos sa pagsulat?
-Noong unang siglo
diba alam mo yan? halos lahat ng tao alam nyan e baka hindi mo alam? ok continue :)

Wala naman kinalaman ang mga Apostol dyan e. Gawa-gawa nyo lang yan, ibalik ko "narating lamang noong ika-apat at ika-limang siglo" e noong unang siglo pa tapos na ang pagsulat Biblia, wala namang kinalaman ang mga Apostol at mga manunulat sa Biblia tungkol sa trinidad.

Makisilip na naman tayo sa isa pang 'Ewan' ano ba to? hehe biro lang, wag masyado magseryoso baka sa hospital ka pupulitin nyan. butit sana kung sa hospital hehe ok continue.. :)


"Ang Diyos Anak at ang Diyos Espirito Santo ay hindi mababa kaysa
Diyos Ama. Ni isa sa Tatlong Persona ay hindi lalong
makapangyarihan. Higit na matalino o mas higit. Ang Tatlong Persona ay kapwa magkakaisang-ganap, sapagkat iisa ang banal na kalikasang inaankin nilang lahat" (ANG ATING PANANAMPALATAYA(UNANG AKLAT), p. 40 Isinalin ni Mar V. Puato)


Ni isa daw ay hindi "mababa kaysa Diyos Ama" at "Ang Tatlong Persona ay kapwa magkakaisang-ganap" sapagkat iisa daw ang banal na kalikasan nila.

e dapat tanggapin nila ito,
kung ang anak(Jesus) ay tao at Diyos din, Ang Ama(Diyos) ay tao at Diyos din, Isperitu Santo ay tao at Diyos din. ai tanggap na tanggap pala hehe pantay e. walang duda.

Ibig sabihin pantay-pantay nga sila

tama diba? dahil "iisa ang banal na kalikasang inaankin nilang lahat" hehe mukha ng katawa-tawa ano?

sasabihin mo naman ang kalikasan ay ng Ama ay Isperitu ang likas na kalagayan, so ang anak ay Isperitu din.

sasalungat ka ba sa sinabi ni Panginoon Jesus na may "Laman sya at my buto?"

sino ba ngayon mga mangangaral na nagpapahayag na kapantay nya ang Dyos Ama? diba Kayo?

ito ang proyeba

English
"Q. 10 Are three divine Persons perfectly equal to one another?
Each of the divine Persons is perfectly equal to the other two, because each possesses the same divine nature and each is God.
The Father, then, is not older or greater than the son, Nor are the Father and Son superior to Holy Ghost. Rather, since all three Persons are the same infinite and eternal God, they all enjoy the same infinite wisdom, goodness, and power.

Tagalog
Ang tatlong bang banal na persona ay ganap na magkakapantay?
Ang bawat isa sa banal na persona ay ganap na kapantay ng dalawang iba pa, sapagkat bawat isa ay nagtataglay ng gayun ding kalagayang Dyos at ang bawat isa ay Dyos.
Ang ama kung gayon ay hindi nakakatanda o higit na dakila kaysa anak. Ni nakakataas ang Ama at Anak sa Espirito santo. Kundi, yayamang ang lahat sa tatlong persona ay pareparihong walang hanggan at Dyos magpakailan man, silang lahat ay nagtataglay ng pareparihong walang hanggang karunungan, kabutihan, at kapangyarihan. (This IS CATHOLISM by John Waish, pp. 185-186)



tandaan natin na ang "tatlong persona ay pareparihong walang hanggan at Dyos magpakailan man, silang lahat ay nagtataglay ng pareparihong walang hanggang karunungan, kabutihan, at kapangyarihan." yan ang doktrina nyo.

pano kaya itong nangyari Mr. Abe? na labag naman ito sa Biblia.
Ex. na kapantay ang Ama at ang Anak,

ito ang sabi ni Panginoon Jesus

"Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa ako'y pasasa Ama; sapagkat ang Ama ay lalong dakila kay sa akin" JUAN 14:28

napakaliwanag ang sabi ni Panginoong Jesus dito. "sapagkat ang Ama ay lalong dakila kay sa akin" so, hindi sila kapantay ayun sa Biblia.

ito pa ang katibayan na hindi kapantay ang Espirito Santo sa Ama at kay Panginoong Jesus. Labag naman talaga sa Biblia ang doktrina nyo.

"Datapuwa't ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan,..." JUAN 14:26

ang doktrina pala ng katoliko tungkol sa Trinidad ay salungat sa Biblia base na din sa mga sinabi ni Panginoong Jesus Cristo,
tiyak na tiyak natin dahil sabi nila ang Ama, Anak at ang Espiritu Santo ay kapantay sa kapangyarihan. Pero ang sabi ni Panginoong Jesus ay "sapagkat ang Ama ay lalong dakila kay sa akin"

paano naman ang Espiritu Santo?

ang sabi ni Panginoong Jesus ay "ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan"

alam natin na pagsinabing Espiritu Santo ay esinugo ng Ama, ang nagsugo ay higit na dakila kaysa esinugo. tama ba? :)
samakatuwid hindi magkapantay ang tatlong persona sa kapangyarihan ayon sa Biblia.

ang pinakamatindi sa doktrina nila ay ang "ang bawat isa ay Dyos"! ha?? oo yan nakasulat sa doktrina nila(pakibasa sa taas, This is Catholism)

magbilang tayo mga kaibigan ha.?
kung
1. Anak ay Dyos,
2. ang Espiritu Santo ay Dyos,
3. ang Ama ay Dyos.
ilan? tatlo po! ahehe

di po ba lilitaw na na tatlo dahil ito ang sabi nila "ang bawat isa ay Dyos" kahit bata makakaintindi sa aral nyo e,

ano ba sabi ng Biblia?
papayag kaya Ang Ama na meron pang ibang Dyos?

"Ako ang panginoon, at walang iba; liban sa akin ay walang Dios..." ISIAS 45:5

nakapakaliwanag diba? ang sabi ng Dios "liban sa akin ay walang Dios"

wag mong sabihin Mr. Abe na hindi pa existido ang Espiritu santo noong sinabi ng Dyos na "liban sa akin ay walang Dios"

ito pa ang problema sa Doktrina nila, "silang lahat ay nagtataglay ng pareparihong walang hanggang karunungan"

di po ba Mr. Abe sa pagdating ng panahon ay Ang Dyos Ama lang nakakaalam?

"Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang." MATEO 24:36

dito sa pahayag nato kung ang Anak ay may katangian sa pagiging Dyos,e dapat alam nya lahat na ang mangyayari sa mundo, ang tunay na Dios ay alam nya lahat ng mga bagay at si Panginoong Jesus ay walang alam kung kailan ang araw ng paghuhukom, Ang Ama lang!. diba? Mr. Abe ahehe ok ka lang?

ito pa ang problema sa Doktrina nila pareho-pareho daw sila walang hanggan e dba magkapantay sila? ibig sabihin Ang Ama ay walang kamatayan so, automatic na ang Anak ang hindi nakatikim ng kamatayan.

"... na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan," I CORINTO 14:3

namatay pala Mr. Abe ahehe
kasi pag sinabi nating walang hanggan, walang kamatayan. sino ba nagbuhay kay Panginoong Jesus? diba ang Ama. alangan naman na ang sarili nya bubuhayin nya. e d lilitaw na sinungaling si Panginoong Jesus ahehe

Sino kaya ang pangunahing nagturo na ang Espirito Santo ay Dyos?

Galing sa kanilang Aklat,


English
Tertullian. Born about 160, converted to Christianity in 195 and to Montanist in about 207, was one of the foremost Christian thinkers of his age. He was practicing lawyer with a far-ranging, well read philosophy, history and Greek, with marked gifts as a controversialists. He was one of the first state explicitly that the Holy Spirit was God equally with other two persons of the Trinity.
(A History of Hersey by David Christie- Murray, p. 35)


Ang pangunahing nagturo na pantay sya sa dalawa ay si Tertullian.
sya ang pangunahing nagturo na ang Espirito Santo ay Dyos.

Naging official agad kaya ito sa Iglesia Katolika na ang aral na ang Espirito Santo ay Dyos?


Aklat ulit nila ating sisipiin,

English
"In 381, at the Council of Constantinople, it was defined that it is an article of faith that the Holy Ghost is God."

Tagalog
Noong 381, sa konsilyo ng konstantinopla, ipinaliwanag na isang tutunin ng paniniwala na ang Espirito Santo ay Dyos."
(Discourses on the Apostles' Creed by Clement H. Crock, p. 206)



Kung inyong napansin ang taon na tinuro ni Tertullian at official na pag deklara sa konsilyo ng konstantinopla ay hindi talaga agad na deklara, marami pang mga argumento nangyari sa konsilyo ng konstantinopla bago ito na deklara na ang Espirito Santo ay Dyos.

Baka itoy gagawa ko lamang, ano ho.
Mas mabuti na ang Awtiridad ng Iglesia Katolika ang ating sisipiin,
Tanongin natin na,

"Talaga po bang hindi mababasa sa Biblia na ang aral ng Espirito Santo ay Dyos?"

English
"3. THE NAME 'GOD' APPLIED TO HOLY GHOST - Although the Bible nowhere expressly calls the the Third Person of the Blessed Trinity 'God'..."

Tagalog
"3. Ang Pangalang 'Dios' kung iniuukol sa Epirito Santo - Bagamat sa alin mang dako'y hindi tinatawag ng Biblia ang ikatlong persona ng pinagpalang Trinidad na 'Dios'..."


Hindi ba kayo na tatawagan ng pansin mga kaibigan?
Taitanong ko ito sa inyo dahil ilan sa mga Iglesia Katolika ay buong buo ang paniniwala na aral ng Biblia ang kanilang sinasampalatayanan tungkol sa tinatawag na Trinidad at ang yong paniniwala na ang Espirito Santo ay Dios.

Samantalang malinaw na sinasabi ng Awtiridad ng Iglesia Katolika na hindi po mababasa sa Biblia na ang Espirito Santo ay Dios.

Pero kamangha-mangha din dahil meron din silang mga talata ng Biblia sa pagtataguyod nitong aral na ang Espirito Santo ay Dios.
Para po hikayatin na maniwala sila na totoo ang kanilang sinasabi.

Pero isang nakakatawag ng pansin mga kaibigan, bagamat na inaamin na nila na aral na ang Espirito Santo ay Dios ay hindi mababasa Biblia subalit meron silang mga talata sa Biblia na pinagbabatayan.

Ito ay isa sa proyeba na may talata din silang ginagamit,

Then in the third place we find that certain definite attributes are ascribed to Him – and this is most important. We are told that He is eternal, and to be eternal is to be God, for God alone is eternal. In Hebrews 9:14, He is referred to as the ‘eternal Spirit…’ (GOD THE HOLY SPIRIT,” by Marlyn Lloyd-Jones, p. 15)

Dahil daw, ang Esperito Santo ay tinawag na walang hanggan ay nangangahulugan daw ito ay Dios daw. At meron pa silang talata na pinagbabatayan sa Dios daw ang Espirito Santo sa Hebreo 9:14

Ito ang nilalaman ng talata,

Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay? Hebrews 9:14

Ang sinabi nila ang Espiritu Santo ay walang hanggan, kaya daw po ito ay TUNAY NA DIOS.

Tama kaya ang kanilang paniniwala?

Kasi nakabasi ang kanilang argument sa “to be eternal is to be GOD” palibasa ay binangit sa Hebrews 9:14 na “eternal spirit” o “Espiritong Walang Hanggan” at yon ang Espirito Santo. Ang Conclusion nila ay ang Espirito Santo ay Dios!


Ito ang sagot isa sa argumento nila,

Ituloy lang natin ang talata,

At dahil dito’y sya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan, ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan. Hebrews 9:14

Ang liwanag ang sinabi sa talata “manang walang hanggan“ tiyak naman ito hindi ito ang Espiritu Santo.

Ano kaya ang katumbas ng “manang walang hanggan“?

Basahin natin sa English.

And for this cause he is the mediator of the new testament, that by means of death, for the redemption of the transgressions that were under the first testament, they which are called might receive the promise of eternal inheritance. Herbrews 9:15 King James Version

Ang sinabi sa English “eternal inheritance “ o “manang walang hanggan



Ito tanong,

Dyan ba sa sinabi na “manang walang hanggan” ay TUNAY NA DIOS ba ito? Kasi ang argumento nila “to be eternal is to be GOD” ^_^

Ang totoo mga kaibigan pagdating ng paghuhukom mabibigyan tayo ng Buhay na walang hanggan (Kaya lang ang iba sa Empirno mapunta sa mga naniniwala na ang Espiritu Santo ay Dios na maliwanag na inembento)


Yun bang buhay na walang hanggan na ibibigay sa mga lahat ng Kristyano ay TUNAY NA DIOS din ba yon? Lalabas na dadami na ngayon ang TUNAY NA DIOS!

Isa na ang Dios Ama na “eternal life” o “walang hanggan”, tinawag din ang mga kristyano na mabibigyan ng “eternal life” o “walang hanggan”!

Tanong: TUNAY NA DIOS din ba itong mabibigyan(Mga Kristyano)? ^_^

Ano ba ang isag gawain ng Espiritu Santo?

At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: sapagka’t hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; ngunit ang Epiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasasaysay sa pananalita. Roma 8:26

Kung ang Epiritu Santo ay tumutulong sa pananalangin, ang Panginoon Jesus ba ay nanalangin?


Ito isa sa patunay na nanalangin ang Panginoong Jesus, Ang katunayan nga ito ay hindi nga sya ang TUNAY NA DIOS,

Na siya sa araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya’y dinig dahil sa kaniyang banal na takot, Bagama’t siya’y Anak, gayon may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay ng kaniyang tiniis; Hebreo 5:7

Ang tinutukoy po dyan sa talata ay ang Panginoong Jesus sa araw ng kanya laman “ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya


Ang ating Panginoong Jesus ay nagsagawa ng mga panalangin at dahil doon may tulong ang Espiritu Santo sa kanya, dahil yan ang isa sa trabaho ng Epiritu Santo.


May tanong po ako sa inyo mga kaibigan kong katoliko na mga naniniwala na ang Panginoong Jesus ay TUNAY NA DIOS.

KUNG ANG PANGINOONG JESU CRISTO AY TUNAY NA DIOS? SINO PA YONG ISANG DIOS NA DINALANGINAN NG PANGINOONG JESU CRISTO? :)

Pagtyagaan nyo po ang aking munting presentation,


Di ba ganito yon,

1. isang Dios Ama na dinalanginan ng Panginoong Jesus

2. at isang nanalangin sa Dios Ama na si Panginoong Jesus

3. at Ang Espiritu Santo ay tumutulong sa pananalangin kay Panginoong Jesus.

Di ba po may nanalangin(si Panginoong Jesus) sa Dios Ama? ang Espiritu Santo(tumutulong sa pananalangin). Lalabas talaga na TATLO ANG TUNAY NA DIOS! ^_^


Ilan ba talaga ang Tunay na Dios?

Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; … sinabi niya, Ama, … Juan 17:1

At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at isang iyong sinugo, sa makatuwid baga’y si Jesucristo. Juan 17:3


Isa lang po ang tunay na Dios Ama! Ayon na rin sa sinugong na si Panginoon Jesus.

Ang Panginoong Jesucristo po ay tinulungan ng Espiritu Santo sa panalangin sa isang TUNAY NA DIOS AMA noong nasa lupa pa sya.



Sa anong pagkakataon pa na tinulungan ang Panginoong Jesucristo sa Espiritu Santo?

Sa makatuwid baga’y si Jesus na taga Nazaret, kung paanong siya’y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng Kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo; sapagka’t sumasa kaniya ang Dios. Gawa 10:38


Ang mga pangyayari sa talata, sa ginawang pagtupad ng ating Panginoong Jesus noong narito pa sya sa lupa. Tinulungan po sya sa kapangyarihan ng Dios.

Ano po ba yon kapangyarihan ng Dios? Yan ang Epiritu Santo, ang sabi sa talata “kung paanong siya’y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo

Noong nasa lupa pa ang Panginoong Jesus may nagawa syang mga milagro o himala. Mga pagtulong nya sa mga may sakit na pinagaling nya. Tulong po yon ng Espiritu Santo sa kanya na isinugo ng Dios Ama para sa kanya.

Tanong: Pareho po ba yong tinulungan? Sa tumulong? Hindi po… :)

Ang tumulong ang Espiritu Santo. Ang tinutulungan ang Panginoong Jesus. Di ba mga kaibigan.

Ito pa ang isa sa talata pinagbabatayan nila na ang Espiritu Santo daw ay Dios,

… He is omnipresent; He is present everywhere. This again is only true of God. The psalmist in Psalm 139:7 cries out, ‘Whither shall I go from thy spirit? Or whither shall I flee from thy presence? … (GOD THE HOLY SPIRIT,” by Marlyn Lloyd-Jones, p. 16)


Mas mabuting basahin natin ang talata kung tama ba itong pagkapaniwala nila,

Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako natatakas na mula sa iyong harapan? Awit 139:7

Kung sumampa ako sa langit nandiyan ka: Kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon. Awit 139:8

Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga, At tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat; Awit 139:9



Ang Conclusion nila, ang Espiritu binangit ay yon Espiritu Santo at kahit saan pa sya sasampa sa langit o kahit saan, naroon ang Espiritu, samakatuwid ang Espiritu Santo ay TUNAY NA DIOS! Dahil isa sa katangian ng Dios Ama kahit saan dako ay naroon sya,

kaya na ang Espiritu Santo ay kahit saan dako din naroon, ang Conclusion nila ang Espiritu Santo ay TUNAY NA DIOS!

Pansinin mga kaibigan.

1. Wala po sinabi sa talata na ang Espirito Santo ay TUNAY NA DIOS.

2. Hindi naintindihan ng gumagamit sa talata na yong kahulugan na “mula sa iyong Espiritu” akala nila ang Espiritu rito ay tumutukoy sa Espiritu Santo.


Samahan nyo akong mag imbistega mga kaibigan kong katoliko.

Ano kaya kahulugan ng “mula sa iyong Espiritu”?

Ito bang binangit sa talata na “mula sa iyong Espiritu” ay automatic na kaagad na Espiritu Santo?

Binangit po ba ng biblia o niliwanag kung alin ang “mula sa iyong Espiritu” na tinutukoy sa mga talata sa taas?

Ating basahin sa English

Where could I go to escape from your Spirit or from your sight? PSALM 139:7 Contemporary English Version

Ang sinabi sa talata ay hindi tumutukoy sa Espirito Santo kundi paningin o Espiritu ng Dios Ama, Kaya ang tao hindi makakatakas sa paningin ng Dios Ama kahit saan pa sya pupunta ang Dios Ama lang may kakayahan humatol sa mga kasumpa-sumpa tulad nga sabi ni Mr Abe na sinumpa na hehe.

Alam naman natin na ang Dios Ama ay Everywhere. kasi sabi sa mga talata “from your Spirit or from your sight” tandaan natin wala sinabing “ang Espirito Santo ay TUNAY NA DIOS” Di po ba? ^_^ kahit ilang milyon pa basahin natin ang talata wala talaga.



Continue... Pasensya po.. naputol na naman hehe

hayy nako!.. Mr. Abe! ito palang inyong doktrina ay labag pala sa Biblia..? ahehe ano sabi mo? "Kasumpa-sumpa" matagal na kayong sinumpa! mark my word!

tingnan mo dito palang nose wet lang kayo sa amin

hehe maliwanag na naman na nag-ibento naman kayo. aminin... :P







Share/Bookmark