"As long as na hindi nila ginawa ang pakikipagtalik sa kapwa nila kasarian... yun po ang bawal ang ginagawa hindi po yung tao..." SimplyCatholic said,
Hindi po tao ang bakla at Tomboy! yan po ang gusto nya ibig sabihin na nagpapakilalang SimplyCatholic.
Anong Rason para maging Bakla? Hindi po ba isa sa rason para maging Bakla o Tomboy ay makipagtalik sa kapwa kasarian?
ito ang sagot ng mga Bakla na katoliko kay SimplyCatholic at sa mga Pari na ayaw sa Bakla!
Isang malakas na pagsigaw laband sa Simbahan Katoliko natawaging kabastusan sa mga bakla ang paglahok sa Santa Cruzan. Isa itong insulto sa mga baklang nais lamang magbigay pugay sa pamamagitan ng pagbibigay ng bulaklak sa imahen ng Mahal na Ina sa loob ng simbahan na nakasot pa ng mga magagarang suotin bilang pagbibigay galang sa Ina ng lahat, Ina din ng mga bakla.
Ang tahasang pagtanggi ni Cardinal Rosales at si Bishop Iniguez sa ganitong gawain ng mga bakla ay patunay lamang na ang Simbahang Katoliko sa Pilipinas sadyang malakas ang pagtatangi sa mga bakla. Tinuturing ng Simbahang Katoliko na ang mga bakla at ang kabaklaan ay isang masama.Ginawa kami ng Diyos na bakla kami. Ginawa kami ng ganito at hindi namin ito pinili. Our sexuality is not a choice.. it is a fact. Bakit kailangan ninyo kaming ganituhin? Ano bang naging kasalanan namin bilang mga bakla upang pagkaitan ninyo kami?
Tinatawagan ko si Cardinal Rosales at si Bishop Iniguez na mag sorry sa lahat ng mga baklang nainsulto sa ganitong pagtingin sa bakla sa loob ng panahon ng Santa Cruzan!
Kailangang aminin ng Simbahang Katoliko na kami ay nag-eexist.. at kailanman hindi ninyo kami mabubura sa loob at labas ng simbahan! (Source: http://mccphqc.multiply.com)
Wala po talagang malinaw na pahayag ang mga katoliko sa isyung ito!
Kinokondena ba ng mga Paring katoliko ang mga Bakla at Tomboy?
Follow This Link --> SimplyCatholic: hindi kinokondena ng KATOLISISMO ang kabaklaan ng mga Pari sa Catholic
Kayo na po ang bahalang humusga sa isa sa Alipuris sa nagpapakilalang Cenon.